Pagdating sa bahay ni Calvin agad na siyang bumaba ng sasakyan at tuluy-tuloy sa malaking pintuan. Natigilan siya nang naka lock iyon, kaya naman kumatok pa siya ng ilang beses. "Walang magbubukas sa iyo diyan," Calvin said, habang palapit na ito sa kinatatayuan niya. "Huh?" Tanging nasabi niya. "Hindi dito sa bahay natutulog ang mga kasambahay. Umuuwi sila sa kani-kanilang pamilya pagkatapos ng trabaho nila," litanya sa kanya ni Calvin. "Umuuwi?" Ulit niya sa sinabi nito. Ngayon lang kasi siya nakarinig ng ganoong kasambahay. Sa bahay nila stay in ang mga kasambahay nila, halos doon na nga rin tumira sa bahay nila. "Bakit?" Hindi niya napigilang itanong kay Calvin nang mabuksan na nito ang pintuan gamit ang susi at nauna na itong pumasok sa loob. May pinindot ito at lumiwanag ang buo

