Alyssa's POV "Hindi ka puwedeng magpabuntis ulit sa lalaking 'yon, Alyssa!" Isang araw na ang nakalipas pagkatapos sabihin ng doctor ang nag-iisa na lamang na chance para tuluyang maoperahan si Blue. Kailangan kong mabuntis. Hindi ko alam kung magagawa ko ba 'yon. Hindi madali ang pinapagawa ng doctor. Lalo na ngayon at hindi kami okay ni Helious. Kung kailan naman iniiwasan ko yung taong nanakit sa akin noon tsaka naman kami pinaglalapit pa lalo ng tadhana. Ano bang nangyayari sa mundo? Binalingan ko si Rad na ngayon ay pinagsasabihan ako. "Anong magagawa ko? Buhay ng anak ko ang nakasalalay dito, Rad. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Bigla na lamang niya akong niyakap. "I can help. Hahanap tayo ng pinakamagaling na doctor para tuluyang gumaling si Blue." "Hindi mo ba naiintindih