Alyssa's POV Humarap muna ako ng ilang minuto sa salamin. Bakit ba 'ko kinakabahan? Kinakabahan lang naman ako na baka tanggihan niya na tulungan ang anak namin. Para lang talaga ito kay Blue, kaya ko ginagawa ito. Kung hindi lang dahil sa sakit ni Blue hinding-hindi ko ipapakilala si Blue sa Daddy niya. Pero siguro talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkakilala silang mag-ama. Huminga akong malalim bago ko muling inayos ang sarili ko sa harapan ng salamin. Maayos naman ako. Nakapambahay lang ako pero kitang-kita naman na presentable ako dito sa suot kong fitted white shirt at terno nitong maong na short. Hindi na ako nag-aksya pa ng oras na mag-ayos o magbihis pa. Kailangan ko ng makausap si Helious. Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko. Ang lakas ng kabog ng dib