Third Person's POV "Helly..." Napaangat ng tingin si Helious nang marinig ang boses ng babaeng matagal niya ng hindi nakikita. Ang babaeng naging bahagi rin ng buhay niya. "Andrea?" sambit niya. Napaawang ang labi niya ng makitang ang laki ng pinagbago nito. Kung noon ay napaka-sexy na nito. Mas lalo pa ito ngayon. "I miss you so much." kaagad itong lumapit sa kaniya. Napatayo naman siya at sinalubong ang paglapit nito. Niyakap siya nito ng mahigpit kaya naman nanuot sa ilong niya ang napakabango nitong pabango. "Kailan ka pa umuwi?" iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya pagkatapos siya nitong yakapin. "Last week. I miss our country so I decided to come back here. It's still more fun here." nakangiting sagot nito. Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya. "Mukhang namayat