Alyssa's POV "Halina kayo sa kwarto niyo." pinilit kong ibahin na lang ang usapan. Para mawala sa isip nila ang nakita nilang litrato sa wallet ko. Napanguso na lang si Hyat habang si Blue naman ay hindi na umangal pa. Sumunod na rin naman sila sa akin. Hindi na umimik pa. Pagpasok namin sa kanilang kwarto ay kaagad na tinahak ni Blue ang kaniyang kama. Habang si Hyat naman ay natigilan. Bumaling ito kay Blue. "Kuya, puwede ba akong tumabi sa 'yo?" "No!" "Please, kuya. I'm scared eh!" pakiusap ni Hyacinth. Nasanay na si Hyacinth na tawagin ang kakambal niya na kuya. Nauna lang naman ng ilang segundo na inilabas si Blue. "Dapat pala malaking bed na ang binili ko para sa inyong dalawa para magkatabi na lang kayo." ani ko. "Siya lang naman gusto tumabi sakin eh! Ayaw ko nga ka