Helious POV "Daddy, sino siya?" muli ay tanong ng batang babae. Hindi ko alam pero napatitig ako sa kaniyang mukha. Nagpalit-palit ang mga tingin ko sa kanilang dalawa ni Rad. "Isa siya sa mga kaibigan ko, baby." sagot ni Rad. Napanguso ang batang babae sakin. "Hi!" bati nito sa akin tsaka kumaway pa. Nakatitig ako sa kaniyang mukha. Bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. "Anak mo?" hindi ako makapaniwalang after six years makakasalubong ko na lang si Rad na may kasamang bata at anak pa niya. Naunahan pa yata ako ng lalaking 'to at hindi niya kamukha ang bata. Hindi kaagad nakasagot si Rad. "Opo, Daddy ko siya." yung batang babae ang sumagot. Ang cute niya. Sarap niyang kurutin. Maya maya lang din ay bumukas ang elevator. "Sige, kailangan ko pa eenroll ang anak