REA POV Hindi ako makapagconcentrate sa work ko. Kanina pa blanko ang isip ko. Puro si Vince na lang ang laman ng isip ko. Para akong mababaliw sa kakaisip dito. "Ma'am Nagpunta dito si Sir Montereal kanina. Hinahanap ka." Sabi ni Ginalyn. Hindi ko napansin ang pagpasok niya. I let out a deep sigh. Iniiwasan ko si Vince. Ayokong paasahin siya sa wala. I know his intention was pure but I can't let him in my life. Masyadong kumplikado ang buhay ko at pati siya madamay. Hindi pa ako handa makipagrelasyon. Ngayun palang iniisip ko mga pwedeng mangyari samin ni Vince. Nasasaktan na ako. Hanggang ngayun hindi pa din ako nakakamove on sa nakaraan ko. Nagkatrauma na ako. Mahirap para sakin ang maniwala sa mga lalaki. Laging sumasagi sa akin na baka mangyari ulit sakin na iiwan din niya ako