REA POV "Vince, saan ba tayo pupunta?" Kanina naglagay ng blindfold si Vince sakin. Ang sabi niya na may pupuntahan kami. Kanina pa ako nagtatanong kung saan ba kami pupunta. Huminto ang sinasakyan naming elevator. Inalalayan ako sa paglabas ni Vince. "Are you ready?" He asked. Tumango ako at napangiti. Unti-unti nyang ibinaba ang suot kong blindfold. Kumurap-kurap ako at nagulat sa nasaksihan. Umalis sandali si Vince at kinuha ang white rose bouquet. "For you.." kinuha ko sa kanya ang bouquet. Inamoy ko ang white roses at ningitian siya. "Thank you Vince." "So let's eat?" Nilahad niya sakin ang kamay na agad kong tinanggap. Pinaghila ako ng chair ni Vince. Nang makaupo ako ay naupo na rin siya. Inilagay ko sa tabi ng table ang bouquet. Sinimulan ng lagyan ni Vince ang