REA POV "Hi manang.. where's mom?" Tinulungan ako ni manang sa mga dala ko. Bago ako pumunta dito. Nag grocery muna ako para may stock si Mommy sa house. "Nasa kitchen iha. Mabuti naman at nakauwi ka na. Miss na miss ka na ng mommy mo." I smiled. "I miss her too. Naging busy kasi ako manang." "Sa work o lovelife?" Nanunukso n'yang tanong. 'Di ko mapigilang mapangiti. "Si manang talaga.." "Yung totoo iha." Aniya pa. Humagikhik muna ako bago siya sagutin. "Syempre.. both manang." Sabay kaming natawa. "Masaya ako para sayo anak." "Salamat manang." "Sigurado ka na ba sa kaniya?" Marahan akong tumango. Ilang beses ko ng pinag-isipan kung sigurado na ba ako kay Vince. Isa lang ang sigurado, mahal ko siya at alam kong mahal ako ni Vince. Nagpunta kami sa kitchen. Nandun nga s