AFTER FIVE YEARS VINCE POV "Good Morning Zhaira." Dumilat ang bata at agad na bumangon. "Tito Vince." Masayang yumakap sa akin si Zhaira. Napatawa ako at hinarap siya. "I miss you baby." "I miss you too tito Vince." "Good morning anak." Sabay kaming napatingin kay Sam. "Mommy!" Tumayo na si Zhaira at tumakbo papunta sa mommy niya. Tumayo na rin ako at namulsa. "Mommy, good morning and I love you." Aniya sa ina. Ngumiti si Sam at napatingin sa akin. "Breakfast is ready." Tumango ako. Samantha Katherine Clark- Alfonzo. Ang babaeng nakilala ko five years ago. Buntis siya ng makita ko sa daan at nawalan ng malay. Naawa ako sa sitwasyon niya kaya tinulungan ko siya para bigyan ng panibagong buhay kasama ang anak n'yang si Samantha Zhaira. Sinabi sa akin ni Sam ang lahat ng