REA POV Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Naglalakad ako mag-isa habang hindi mapigil ang luha sa pag-agos. Pumasok ako sa loob at hinanap ng mata ko si mamita. Dahan-dahan akong naglakad. Habang papalapit ako sa kanya. Naninikip ang dibdib ko. Agad kong tinanggal ang kumot na nasa katawan niya. Napatakip ako ng bibig ng makumpirmang si mamita nga ang bangkay na nasa harap ko ngayun. Agad kong niyakap ang malamig n'yang bangkay. Napasigaw ako sa sobrang galit at pighati. "Mamita, gumising ka please. Hindi mo ko pwedeng iwan. Please mamita. Nangako ka sakin. Di ba sabi mo hindi ka mawawala. Pano na ako ngayun." Iyak lang ako ng iyak. Umabot ako ng 30 minutes na hawak-hawak lang si mamita. Parang namamanhid na ang buong pagkatao ko sa sunod-sunod na nangyari sa buhay ko..