REA POV
Pumasok sa office ko ang secretary ko. "Ma'am, Mr. Salvador is here." Aniya.
"Let him in." I said.
I'm busy checking the files. I know why dad wants to see me. Ipipilit na naman niya na siya ang dapat na maging CEO.
"Hindi mo talaga ako susundin Rea!" Yan ang unang bungad niya sa akin.
"Mr. Salvador relax. Umagang-umaga high blood ka na d'yan." Natatawang Sagot ko.
"And for your question. No Mr. Salvador, hindi ko isusuko ang posisyon ko and that's Final." Seryosong saad ko.
Umigting ang panga ni dad.
"Rea, i'm doing you a favor. Kausapin mo si Mom na ako dapat ang gawin n'yang CEO." Inayos ko ang pagkakaupo.
"Mr. Salvador again. Hindi ko na mababago pa ang desisyon ni Mamita. Kaya tanggapin mo na lang ang realidad. I'm the CEO and your just sa COO." Kung tutuosin nga maganda pa din ang posisyon niya ngayun sa company.
Kaya lang naman siya nilagay ni mamita bilang COO dahil iniisip pa din niya na naging parte ng buhay ng anak niya at sakin si Dad.
"Rea, makinig ka sakin. Kapag di mo kinausap si mom. Isa sa inyo ang malalagay sa panganib. Kaya sundin mo na lang ako." Desperadong saad ni dad.
"Hindi kita maintindihan dad. Bakit ba gustong-gusto mo maging CEO? Hindi pa ba sapat na nakuha niyo na ang lahat sakin? Pati ba naman pinaghirapan ni mamita kailangan niyo din kunin."
"Rea sundin mo na lang ako." Umiling ako at tumayo.
"Kahit ano pa ang gawin mong pagbabanta sakin. Hindi ako papayag. So you better leave now." Galit na sabi ko sa kanya.
"Pagsisisihan mo ito Rea." Umalis na si dad. Nang mawala na siya sa paningin ko tyaka lang ako nakahinga ng maluwag..
Kaya mo to Rea.. dapat kayanin mo kasi nagsisimula palang ang lahat.
Pakikipag-usap ko sa sarili.
Naging busy ako hanggang sa sumapit ang alas singko. May tumatawag sa phone ko. Pangalan ni mamita ang nalagay.
Sinagot ko agad ang tawag.
"Yes mamita?" Tahimik ang kabilang linya.
Maya-maya ay nagsalita. Hindi si mamita kundi ibang tao. Naibagsak ko ang hawak na phone. Parang naninikip ang dibdib ko sa sakit. Tumulo ang luha ko. Nang matahuhan ako ay agad akong umalis sa office.
Nagmamadali akong sumakay sa kotse at nagpunta sa hospital.
Kinakabahan ako. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay mamita. Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa kanya.
VINCE POV
"Iho, i'm so happy you came." Akmang yayakap sakin si mom ng umiwas ako.
Tumikhim ako at tinignan ang paligid. Wala pa din pinagbago ang mansyon ng Fernandez.
I ignore mom. "Insan." Pukaw sakin ni jerome. Bumaling ako sa kanya. Ningusuan niya si mommy na nakatitig sakin.
"Why you want me to be here?" I asked her.
"Iho, nakiusap sakin si lea na kung pwede makita ka niya." Natawa ako.
"Sino ka para makisawsaw samin?" Natahimik si mom.
"Vince, huwag mo naman pagsalitaan ng ganyan si tita.. she's still your mother."
Humarap ako kay jerome. "She's not my mother. May ina ba na kayang pabayaan ang anak?"
Hindi nakasagot sakin si Jerome. Maya-maya lang ay lumabas si Lea. Tuwang-tuwa itong tumakbo papalapit sakin. Agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"I'm miss you so much Vince." Inilayo ko siya sa akin.
"Welcome back lea." I said.
"Hey, ngayun lang tayo nagkita. Hindi ka ba masaya na Makita ako?" Tanong niya.
"Lea.." hindi ko nadugtungan ang sasabihin dahil hinila na ako sa loob ng mansyon ni Lea.
Nakasunod samin si mom at jerome.
Maraming bisita si Lea. Inupo niya ako sa bakanteng upuan.
"What do you want? I get it for you." She said while smilling.
"Lea, hindi rin ako magtatagal dito. Pinagbigyan ko lang si mommy." Sagot ko.
"Vince, please. I really need to talk to you." Kumunot ang noo ko.
"Talk about what?" Luminga siya sa buong paligid.
"Not here. Come with me." Tumayo siya. Sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa room niya.
Pagkapasok ko. Narinig ko ang pagclick ng lock ng door.
Humarap ako kay Lea. Ngumisi siya at nagsimulang hubaran ang sarili.
"What do you think your doing?" I asked her.
Lumapit si lea sa akin. Sinungaban niya ako ng halik. Naitulak ko agad siya.
"Vince.."
Nilagpasan ko siya at binuksan ang pinto.
"This is not you lea."
Nagsimula na s'yang umiyak.
"I'm sorry vince. Alam ko na sa akin ang mali. Mali na pinagpalit kita sa iba. Nadala lang ako ng pangungulila ko sayo. Ngayun nakabalik na ako. Magsimula tayo ulit. Please vince. Mahal pa rin kita." Aniya habang lumuluha.
Huminga ako ng malalim bago siya sagutin.
"But I don't love you anymore. May mahal na akong iba Lea. So you better move on dahil hindi na tayo magkakabalikan pa." Umalis na ako sa room at iniwan siya.
Naabutan ko si mommy sa gilid ng hagdan na seryosong nakatingin sa akin. Huminto ako sa harap niya.
"Vince anak..."
"I'm leaving.." hinawakan ni Mommy ang kamay ko.
"No iho, dito ka lang muna. Kailangan natin makausap ang pamilya fernandez." Aniya. Winaksi ko ang kamay n'yang nakahawak sa akin.
Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang magulang ni Lea.
Hinawakan ni mom kamay ko. Sinabi nila na sa living room kami pumunta.
Naupo ako sa tabi ni mom. Dumating si Lea na nakabihis na.
Napatingin sa kanya ang mommy niya.
"Wait iha, did you cry?" Umiling si Lea at tumingin sa akin.
"Okay so everyone is here. Pag-usapan na natin ang pagpapakasal ng mga anak natin marielle."
Natatawang lumingon si mom kay tito joseph. Hinawakan ni mom ang kamay ko at marahang pinisil.
"Wait, pagpapakasal? Sinong ikakasal?" Takang tanong ko sa kanila.
Isa-isa ko silang tinignan..
"Don't tell me ipapakasal niyo ako kay Lea?" Tanong ko kay mom. Ang masayang mukha nito ay ngayun ay natahimik.
"MOM! ANSWER ME! Dont tell me pinagkasundo mo ako kay Lea?" Hindi siya sumagot bagkus. Si tito joseph ang sumagot para sa kanya.
"Yes iho. Napag-usapan na namin ito ng mama mo na magpapakasal kayo ng unica iha ko." Hindi makapaniwalang tinitigan ko si mom.
"Hindi ako magpapakasal kay Lea." Nagmamadali akong umalis sa living room.
Malapit na ako sa gate ng mahabol ako ni mommy.
"Iho! Hindi mo dapat sinabi 'yun." Galit akong humarap sa kanya.
"Sino ka para makialam sa buhay ko?" Tanong ko sa kanya.
"Anak please. Ginagawa ko lang ito para sayo. Kung magpapakasal ka kay Lea. Giginhawa ang buhay mo."
"HINDI KO KAILANGAN NG MAGINHAWANG BUHAY MOM!" Galit na sigaw ko sa kanya. Napaatras si mommy. Maluha-luha itong tumingin sakin.
Huminga ako ng malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili.
"Mom, hindi ako magpapakasal kay lea."
"Anak, para din sayo to." Umiling ako.
"Hindi ko sila kailangan. Hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. Minsan na ako sinaktan ni Lea at ayoko ng maulit pa 'yun."
Aalis na sana ako ng pigilan ako ni mom.
"I don't care if your not agree with this. Magpapakasal ka pa rin kay Lea. Bilang ina mo. Iniisip ko lang ang future mo anak."
"Tigilan mo na ang kahibangan mo na to mom. Wala akong pakialam kung desidido ka sa kasalan na sinasabi mo. Buhay ko to. Tigilan mo na kakasira ng buhay ko." Galit na pahayag ko.
"Hindi ko sinisira ang buhay mo anak."
"YES! YOU DID!" Napasigaw na ako sa sobrang frustation na nararamdaman ko.
"You left me. Babalik ka sa buhay ko kung kailan masaya na kami ni Dad. Sisirain mo ang buhay ko. Pinipilit mo pa din sa akin si Lea kahit na siya ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko na siya mahal kaya dapat lang na tanggapin niyo na walang wedding ang magaganap samin ni Lea. Kung ipipilit mo pa din mom ang gusto mong mangyari. Hinding-hindi kita mapapatawad." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Umalis na ako sa lugar na iyon.
Nasa kotse na si jerome. Sumakay ako sa passenger seat.
"May problema ba buds?" Sinamaan ko ng tingin si jerome.
"Okay.sorry, sorry. Alam kong ayaw mong pumunta dito dahil pinilit kita."
"Umalis na tayo." Tanging nasabi ko na lang.
Pinikit ko ang mga mata. Kailan ko ba siya makikita ulit. Wala akong ibang papakasalan kundi ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.