SIGURADO SI ALUCARD na hindi papalya ang plano niyang pasunurin sa gusto niya si Awa. Kaya medyo nagtaka siya kung bakit parang nagulat pa siya sa biglaang proposal ngayon ng dalaga. Something was probably wrong with him today. “This is not the right time for that. Your stupid dog’s slime was dripping all over my face—“ “Hindi stupid ang alaga ko. At importante siya sa akin kaya puwede na ba tayong magpakasal?” Bahagyang nakayuko si Awa habang nakataas kay Alucard ang hawak nitong alay na singsing. Kaya hindi makita ng binata kung ano ang kasalukuyang reaksyon ng dalaga. But, looking at her closely, he had a hint what she was probably feeling right now. “Hindi ko yata matanggap na kaya ka lang nagpo-propose ngayon ay dahil sa isang hayop.” “Will you marry me?” ulit nito. Wala na r