NAGMAMADALI NA si Awa. Gusto na nga niyang i-request sana sa GRAB driver niya na paliparin na ang sasakyan nila para lang makarating agad siya sa kanyang bahay. “Buwisit ka, Alucard. Kapag may nangyari kay Prince…” Nanlalabo ang paningin niya dahil sa pinipigilang mga luha. Hindi siya papayag na may mangyari sa pinakamamahal niyang alaga. At totoo ang banta niya sa lalaking iyon oras na mapahamak si Prince. Sa wakas ay nakarating na rin siya sa kanyang bahay. “Prince? Prince! Come here, boy!” Ngunit hindi gaya ng nakaugalian niyang gawain ng alagang aso, na nasa labas pa lang siya ng gate ay hindi na mapakali ang alaga, ngayon ay napakatahimik ng bahay. Nanginginig ang mga kamay niya nang i-redial ang numero ni Alucard. “Nasaan si Prince?” “Come to my house and I’ll tell you.” Ibi