"YAYA, nakita mo si Andy?" Puwede nang talian ang mga nguso ni Yolly sa haba ng pagkakasimangot niya. Paano'y gabi na pero hindi pa niya nakikita ang asawa mula umuwi sila galing Dental Clinic. Hindi rin naman umalis sa tingin niya ang asawa dahil nakita niya sa garahe ang kotse nito. "Nasa kuwarto siya kanina ng mga kambal," sagot ni Yaya Chadengk na hinuhugasan ang mga bote ng gatas ng mga sanggol. "Pumunta po ako ro'n. Wala naman po siya. Nasa'n na kaya 'yon?" "Bakit? Nag-away na naman ba kayo?" "Ewan ko po pero mula nakita ko kanina si Aldrin Richards ay 'di na po niya ako pinansin," himas-himas niya ang baba niyang sagot. 'Di pa rin umiiksi ang kanyang pagkakanguso. Pero sa sinabi niyang iyon ay muntik nang mabitawan ni Yaya Chadeng ang ginagawa saka nanlalaki ang mga mata nito n