"ANG kapal ng mukha!" gigil na nasambit ni Yolly. Susugurin niya dapat ang professor nilang bastos. Pero kasi ay pinigilan siya sa braso ni Yaya Chadeng. At nang tingnan niya ang matanda ay umiling ito sa kanya. Napakunot-noo siya. "Si Cheska 'yon." May takot din sa mukha ni Yaya Chadeng. "Oo nga po si Miss Cheska." "At kapatid siya ni Cindy." "Po?!" Lalon namilog ang mga mata ni Yolly. "Oo, kapatid siya ni Cindy at siya ang laging kalaro noon ni Andy. At balita ko magaling siya sa martial arts. Nakakatakot ang babaeng 'yan dahil magaling sa karate." Humaba ang nguso niya. Bumakas ang amazement sa kanyang mukha. "Hayaan mo na sila kasi baka may sasabihin lang 'yon kay Andy." Kunot ang noong naglipat-lipat ang tingin niya sa mukha ng yaya at sa silid nilang mag-asawa. Kalaro lang