"HINDI pa rin ba tayo papasok?" tanong ni Max kay Leandro. Walang naging tugon ang binatang kampanteng nakaupo sa swivel chair ng kanyang opisina sa kanyang security agency. Dito niya naisipang magtambay habang pinag-iisipan ang biglang pagbabago ni Yolly. Ang bigla-biglaang pagtataboy sa kanya si Yolly. "'Wag mo nang isipin si Yolly. Sigurado ako may mabigat na dahilan siya bakit ka niya tinataboy ngayon bilang kaibigan." "Anong mabigat na dahilan?" nakahalukipkip na tanong niya. Napakaseryoso ng mukha niya. Nagkibit-balikat si Max. "Ahmmmm.. pwedeng 'yung nasampal siya ni Andy. Kasi dahil naman talaga 'yon sa 'yo kaya nasaktan siya ng asawa niya, 'di ba?" Kumibot-kibot ang mga labi niya habang pinag-iisipan ang sinabi ni Max, kasabay nang pagsingkit-singkit ng kanyang mga mata at ku