PAGKATAPOS ng subject na iyon at parang walang kilala ulit si Andy na lumabas. Tanging ang mga bagong barkada nito ang pinapansin. "Hala!" Naituro ito ni Diane na takang-taka. Tapos ay tumingin kay Yolly. Kahit ang ibang kaklase nila ay napansin na iyon. Napapasulyap na rin ang mga ito kay Yolly. Takang-taka rin ang mga hitsura ng mga ito kung anong nangyayari sa kanilang mag-asawa at parang mga hindi magkilala na. Kunwari ay wala ring pakialam si Yolly. Nagbusy-busy-han siya sa paglagay ng mga gamit niya sa bag niya. "Ganyan nga, girl! 'Wag kang papaapekto. Siya na nga ang nanakit sa'yo siya pa ang may ganang mandeadma! Aba!" Si Diane ang inis na inis. Ito ang nagdadabog sa pag-aayos ng mga gamit din nito. "Dapat sinusuyo ka nga, eh! Siya na nga ang nanampal siya pa ang nagmamalaki! H