AYAW man sana ni Shone ay napilitan itong iwanan sina Karen at Yolly sa tent nila. Lumabas ito kasama si Charlotte at Diane para makapag-usap ang dalawa. Ayun na rin sa request ni Yolly. "Alam mo bang hinahanap ka ni Leandro?" pagbubukas ni Yolly sa usapan pagkatapos ng ilang minuto muna nilang pananahimik. Walang naging reaksyon si Karen. Nakahalukipkip itong nakaupo. Magkatabi sila.Tulad ng dati ay mukhang mataray pa rin. Kikibot-kibot ang mga labi ni Yolly na ibinaling sa iba ang tingin. Ang totoo mahirap ito sa kanya dahil sa mga nakaraan nila ni Karen na hindi sila magkasundo. Naiilang siya. Pero para kay Leandro ay kakausapin niya si Karen. Tutulungan niya ang dalawa. Tulad nang ginagawang pagtulong sa kanya ni Leandro simula't sapol. Panahon na rin para subalitan niya ito at magi