"MAY PROBLEMA BA?" untag ni Yolly sa asawa. Para kasing ang lalim ng iniisip ni Andy habang nagda-drive. Mas malalim pa sa iniisip niya 'ata dahil iniisip pa rin niya si Karen. Hinihimay niya sa kanyang isipan ang kundisyon ni Karen na 'wag sasabihin kay Leandro na nagkita sila. Iniisip niya kasi parang hindi niya kaya. "Ah, w-wala naman, mahal," sagot ni Andy. Nilinga siya nito ni ng mabilis at nginitian. "Kanina kasi ay dapat magkikita kami ni Ate Cheska, pero hindi naman siya dumating. Tapos hinanap ko pero wala yata siya sa campus." Tumikwas ang isang kilay niya. Iba agad kasi ang pumasok sa isip niya. "Bakit naman kayo magkikita?" Kaya iba na rin ang tono niya. Napahalukipkip din siya. Napakamot sa batok si Andy. "Hindi ko alam, tungkol siguro sa school. Eh, ikaw sa'n kayo nagpunta