CHAPTER 1
CARYS' POV
"CARYS, sa tingin ko, nahanap mo na ang katapat mo," hamon sa akin ng kaibigan kong si Olga habang umiinom kami dito sa bar sa New York. Pareho na kaming lasing.
Sinundan ko ng tingin ang itinuro ni Olga. Medyo nanlalabo na ang paningin ko kaya hindi ko maaninag ang mukha nito. Lalo na at patay-sindi ang ilaw sa paligid.
One thing I'm sure, may edad na siya. I guess, he's older than me by half.
"Paano mo naman nasabi?" lasing na tanong ko kay Olga.
"Dahil napansin ko na marami ng babae ang lumapit sa kaniya. Pero lahat, tinanggihan niya."
Tumaas ang kilay ko. "So, sinasabi mo na isa ako sa mga babaeng tatanggihan ng Daddy-o na 'yon?"
"Prove it na hindi."
Puno ng kumpiyansa na tumayo ako at inayos ang aking maiksing dress. "I'll take that bet, but don't say I didn't warn you," nakangising saad ko at saka mag-isang naglakad papunta sa direksiyon ng matangkad na lalaking nakaupo at sumisimsim ng alak.
Isang hakbang na lang nang mapahinto ako.
My lips parted. My heart raced with anticipation. Feeling ko, tumigil sandali ang mundo ko nang matitigan ko ang kaniyang mukha. Kaya naman pala pinagtitinginan siya ng halos lahat ng kababaihan dito.
Tama nga ako na may edad na siya. Pero sobrang guwapo niya at ang hot pa rin! Sa tingin ko, may tinatago siyang abs sa fitted T-shirt na suot niya. Ang laki rin ng umbok sa harapan niya. At sure ako na pure Filipino siya.
Sa dami na ng mga naguguwapuhang lalaking nakita ko na at karamihan sa kanila naging ex ko pa, ngayon lang ako humanga nang ganito.
And why not?
Every move he made screamed confidence, his charisma impossible to ignore. Kahit ang simpleng pagsimsim ng alak ay talaga namang nakakakuha ng atensiyon ng mga nakapaligid sa kaniya.
Of course, including me.
Mariin akong napailing nang maramdaman ko na may nabubuhay na bahagi sa katawan ko habang nakatitig sa oldie na 'yon. Dapat mandiri ako dahil parang ka-edad na siya ni Daddy.
Pero bakit parang may sariling isip ang mga paa ko na naglakad palapit sa kaniya?
Sanay na akong mang-akit at makipaglaro sa mga lalaki dahil isa iyon sa katuwaan namin ni Olga kapag nagba-bar kami. Pareho kaming playgirl at liberated kaya normal na lang sana sa akin ang pustahan naming ito.
Ngunit habang palapit nang palapit ako sa lalaki, palakas nang palakas din ang heart beat ko.
Gusto kong umatras. Pero napalingon ako kay Olga. Napangisi siya na para bang sinasabing mabibigo ako. At kapag nangyari iyon, siguradong katakot-takot na kantiyaw ang abutin ko sa kaibigan kong iyon.
And besides, huli na para umatras. Lumingon na sa akin ang lalaki. His deep brown eyes captured mine. Hindi ako nakagalaw. Nakatitig lang ako sa mga mata niya.
Oh. My. God. Someone arrest him for being too gorgeous!
Kumunot ang noo niya nang tuluyan na siyang humarap sa akin. "Yes, Miss? You good? Need any help?"
Lihim akong napalunok. Lalo yatang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa baritonong boses niya. Hindi ko maiwasan na titigan ang mga labi niya. Bakit parang nang-eengganyo na halikan ko?
Hindi ko alam kung epekto lang ba ito ng alak o talagang ganito ang epekto ng lalaking ito sa mga babaeng tulad ko. But my heart skipped a beat, and I felt a rushed of adrenaline.
Tuluyan ko nang hindi napigilan ang sarili ko. Inisang hakbang ko ang pagitan namin ng lalaki. At saka ko kinabig ang batok niya at wala ng inhibisyon na sinakop ko ang mga labi niya.
Sanay ako na lahat ng lalaking hinahalikan ko, agad na nahuhumaling sa akin. Kaya nga over confident ako na gano'n din ang lalaking ito.
But to my surprise, bigla niya akong itinulak at walang ano-ano na tinalikuran.
Hindi makapaniwala na napatulala na lang ako. Narinig ko na lang ang malakas na tawa ni Olga sa likuran ko.
"I told you. You've found someone who can keep up with you, Carys."
CARYS' POV
HINDI ko matanggap ang ginawa sa akin ng matandang 'yon kaya halos gabi-gabi namin siyang inabangan sa bar. Hindi ako titigil hangga't nakakabawi.
Pero almost a month na, hindi ko pa rin siya nakikita. At mag-iisang buwan na rin akong pinagtatawanan ni Olga. Lumalaos na raw ang beauty ng isang Carys Virtanen.
"Maghintay ka lang. Dahil sa oras na magtagpo uli ang landas namin ng Daddy-o na 'yon, I'll make sure na siya naman ang hahabol-habol sa akin. Baka nga hanggang ngayon, hindi pa niya makalimutan ang halik ko, eh."
"Bring it on, girl!" aniya, sabay tawa nang malakas. "O baka naman ikaw itong hindi makalimot? Kaya ganiyan ka ka-obsess na makita siya uli?"
Sa asar ko, binato ko ng unan si Olga. Tumawa lang siya.
Matagal na kaming magkaibigan kaya sanay na kaming magbiruan at magkasakitan. Simula nang mag-migrate kami dito ng parents ko seventeen years ago, si Olga na ang naging best friend ko. Classmate ko siya at parehong Filipino ang mother namin. Finnish-American ang dad ko at pure American naman ang ama ni Olga.
Five years old lang ako nang umalis kami sa Pinas dahil sa business ni Dad dito. Unfortunately, five years later, inatake siya sa puso at namatay. Six years ago lang din nang mamatay si Mom.
Since hindi naman ako into business at Interior Design talaga ang hilig ko kaya ipinaubaya ko na sa kapatid ni Dad ang business niya. Ipinapasok na lang nila sa account ko ang share ko. At iyon ang bumuhay sa akin sa mga nakalipas na taon. But most of the time, ang walang pakundangan kong nilulustay para sa mga luho at walang katapusang gimmick ko.
Good thing, nakapagtapos naman ako ng college. Wala nga lang akong matinong trabaho.
Palagi kasi akong natatanggal dahil sa pagiging playgirl ko. Lahat yata ng mga naging ka-trabaho ko na hot at guwapo, b-in-oyfriend ko. At lahat sila ay pinaiyak ko. Including my boss na nalaman kong ikakasal na pala. Naghiwalay tuloy sila ng fiancee niya.
Kahit ako, hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko magawang mag-seryoso sa mga lalaki. Siguro dahil masiyado akong nag-idolize sa Dad ko noon na almost perfect man na.
At iyon ang hindi ko pa makita sa mga lalaking nakatagpo ko na.
Paminsan-minsan, dinadalaw ako rito ng abuela ko from Pinas. Palagi niya akong inaakit na doon na lang daw ako manirahan dahil mag-isa na lang siya. Pero hindi ko kayang iwanan ang buhay ko rito sa New York. Magbakasyon siguro, puwede pa.
Dapat noon pa pero nag-aaral pa ako. Last year naman, may na work ako. Puwede sana this year habang pa-sideline-sideline pa lang ako.
But I can't.
Dahil hindi ako aalis ng New York hangga't hindi ko nakikita uli ang matandang 'yon at nakabawi sa pamamahiya na ginawa niya sa akin.
CARYS' POV
I AM busy establishing budgets and estimating costs para sa design projects ng isang kliyente ko nang tumunog ang cellphone ko.
Grandma's calling.
"Hello, Lola. Kumusta po kayo diyan?" nakangiting bungad ko when I answered her call. Close kami noong bata pa ako at bago kami nag-migrate dito.
Well, solong apo lang naman ako dahil solong anak lang din niya si Mom.
"Okay lang naman, apo. Ikaw, kumusta ka na rin diyan?" sagot ni Lola. And I'm sure she's smiling din. "Oo nga pala, tumawag ako para i-invite ka sana sa seventieth birthday ko. Pumunta ka naman, apo. Please? Malay mo, ito na ang huling birthday ni Lola."
"Lola! Please don't say that. You're strong pa kaya."
"Di ka sure," pabirong sagot niya. Sobrang cool ni Lola at masayahin. Kaya malakas pa siya at hindi mukhang seventy na. "Please naman, apo. Darating ang Ninong Emerson mo. Gustong-gusto ka niyang makita."
"Ninong? May ninong po ako?"
Dahil masiyado pa akong bata noong umalis kami ng Pinas kaya hindi ko na matandaan ang ibang detalye. Especially 'yong tungkol sa mga Ninong at Ninang ko. Simula kasi nang mag-migrate kami rito, wala naman nang nag-reach out sa akin. Wala ring nabanggit sa akin ang parents ko.
"Marami kang Ninang pero iisa lang ang Ninong mo. Masiyadong seloso ang Daddy mo kaya isa lang ang kinuha nila nang binyag mo at 'yon ay ang Ninong Emerson mo na childhood best friend ng mommy mo," paliwanag ni Lola. "Nagkita kami kahapon at naikuwento ko sa kaniya na nandiyan ka pa rin sa New York. Nanghihinayang nga raw siya na hindi niya nalaman agad. Sana raw nadalaw ka niya noong pumunta siya diyan para sa business trip niya. I invited him and he's hoping na sana raw, darating ka para magkita kayo uli. Four years old ka pa yata nang huli kayong nagkita."
Kung childhood best friend ni Mommy ang Ninong Emerson ko, ibig sabihin, nasa mid forties na rin siya. Forty five years old na kasi sana si Mom kung nabubuhay pa siya ngayon.
I dunno.
Pero kapag naririnig ko ang salitang 'ninong' sa fellow Filipinos ko dito, matandang lalaki na may malaking tiyan at panot agad ang naiisip ko.
"Carys, apo. Join me in my special day, please?" untag sa akin ni Lola.
I smiled. "Yes, I will po, Lola."