CHAPTER 2

1223 Words
CARYS' POV I love my grandma. Ayaw kong magtampo siya sa'kin kaya umuwi ako ng Pinas to attend her birthday. Kahit ang gusto ko sana, ituloy ang paghahanap sa oldie na nang-snob sa beauty ko. Hindi talaga ako papayag na hindi makabawi! Well, one month lang naman ang plan ko na mag-stay sa Pinas. Saka na kami magtutuos ng matandang 'yon pagbalik ko sa New York. Ayaw kong mapagod pa si Lola dahil mamayang gabi rin ang party. That's why I told her na ang driver na lang niya ang sumundo sa'kin sa airport. Malayo pa naman ang San Benitez, isang maliit na bayan sa Pampanga. As far as I remember, si Lola ang pinakamayaman sa bayang ito. Pag-aari niya ang malalawak na lupain na nakikita ng mga mata ko. Dahil masiyado pa akong bata noong umalis kami rito, hindi ako pamilyar sa mga dinadaanan namin. Hindi ko nga ma-imagine na minsan na pala akong tumira sa liblib na lugar ito. Lubak-lubak ang kalsada at halos kakahuyan na ang nadaanan namin. Mangilan-ngilan lang ang mga bahay at magkakalayo pa. Tapos maalikabok pa. For someone like me who grew up in the city, I feel bored. Kaya natulog na lang ako. Ginising na lang ako ng driver nang makapasok na kami sa bakuran ng ancestral house ni Lola. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan, nakita ko agad si Lola na kausap ang caterer. Mabilis naman niyang iniwanan ang kausap at masayang sinalubong ako. "Lola Molly, I've missed you so much!" I gave her a big hug. "Happy birthday po. I love you." K-in-iss ko rin siya sa cheek at sa forehead. Ngayon na nagkita na uli kami, saka ko lang na-realize kung gaano ko siya na-miss. "Carys, apo! Akala ko bibiguin mo ang lola." Niyakap niya ako nang mahigpit at pinapak ng halik. "Puwede ba 'yon? Eh, miss na miss ko na rin po kayo, Lola." "Na-miss? Eh, kung hindi pa nga kita dalawin sa New York, hindi tayo nagkikita," naghihinampong sabi niya. "Akala ko nga mamamatay lang ako na hindi mo man lang ako bibisitahin dito sa San Benitez." Napakamot ako sa ulo. "Lola, it's your birthday today, right? So, bawal po magdrama," biro ko sa kaniya. Tumawa lang si Lola. Humawak siya sa braso ko. "Tara na sa loob. Nanlutu ku king mga paboritung kakanan mu," sabi niya sa Kapampangan na 'Nagluto ako ng mga paboritong pagkain mo' ang ibig sabihin. CARYS' POV SI Lola Molly ang pinaka-down-to-earth na taong nakilala ko. Kaya hindi na ako na-surprise kung simpleng party lang ang naganap kinagabihan. Halos lahat nga yata ng mga bisita ay mga trabahador niya. Like me and mom, solong anak lang din si Lola. Taga-Bohol naman si Lolo na matagal na ring patay kaya walang gaanong kamag-anak ang dumalo, maliban sa isang pamilya na third cousin ko raw. "Gusto ko ring magpasalamat sa Diyos dahil ligtas na nakarating dito ang aking paboritong apo," nakangiting sabi ni Lola nang hingan siya ng message. "Carys, apo," baling niya sa akin habang namamasa ang kaniyang mga mata. "I feel so loved and celebrated with you here tonight. This birthday will be unforgettable because... of you. Thank you and I love you so much, apo." Ako ang tipo ng tao na hindi madaling umiyak. Siguro dahil maaga akong naging independent. At dahil na rin siguro sa lugar na kinalakhan ko. Pero ngayon, I dunno. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko nang tanggapin ko ang microphone na ibinigay ng host. "Lola Molly, as you celebrate another year of life, I wish you continued good health, happiness, and fulfillment. Hindi man tayo palaging nagkikita, God knows how much you mean to me po. I love you more than words can express, Lola. Happy Birthday po!" Hindi ako sanay na umiiyak sa harap ng maraming tao kaya tinapos ko na agad ang pagsasalita ko at ibinalik ang microphone sa host. Pagkatapos ay saka ko naman niyakap nang buong pagmamahal si Lola. At niyakap din niya ako. Kahit simple lang, nag-enjoy naman ako sa party dahil nakita ko na sobrang happy ni Lola. Akala ko nga maiinip ako dahil wala naman akong kakilala. At hindi ako sanay sa ganitong party na puro kainan lang. My only wish tonight is to bring a smile to Lola's face. Patapos na ang party nang maalala ko ang sinabi ni Lola Molly noon na magiging bisita raw niya ang Ninong Emerson ko. Pero bakit wala naman? Hindi naman sa interesado ako sa kaniya. Curious lang ako sa feeling na may ninong. "Ma'am Carys, ipinapatawag po kayo ni Lola Molly sa opisina niya. May ipapakilala daw po siya sa inyo,'" sabi sa akin ng maid. "Okay. Susunod na ako." Tumango ako pero nakakunot ang noo ko. Hindi kaya ang Ninong Emerson ko na iyon? Pero bakit kailangang sa opisina pa ni Lola? Bago ako umalis ng bakuran, napansin ko ang mamahaling sasakyan na nakaparada. Nawili yata ako sa pag-asikaso sa mga bisita ni Lola Molly kaya hindi ko napansin ang pagdating niyon. CARYS' POV "I'M SORRY I'm late. May emergency lang sa kumpanya. Anyway, happy birthday, Tita. You deserve so much better on your special day. Kung nabubuhay lang si Caridad, siguradong masaya siya dahil hindi kayo binigo ng apo n'yo." Napahinto ako nang marinig ko ang baritonong boses na iyon mula sa opisina ni Lola. Medyo nakabukas lang kasi ang door. Siya kaya ang Ninong Emerson ko? Binanggit niya kasi ang name ni Mommy. Pero hindi naman mukhang matandang panot na malaki ang tiyan ang boses niya. Parang nasa thirties lang. "It's okay, Emerson. Masaya na ako na nakarating ka. Alam ko kung gaano ka ka-busy sa negosyo mo. Sa wakas, magkikita na rin kayo ng inaanak mo." So, siya nga ang Ninong ko? Magkakaroon na ba ako ng bagong daddy? Ang sabi kasi ni Olga na maraming Ninong at Ninang, parang second parents daw ang role ng mga Ninong at Ninang sa buhay ng mga inaanak nila. I shrugged my shoulder. Well, sanay na akong mamuhay nang mag-isa simula nang mamatay ang parents ko. Pero mas okay na rin na may iba akong kakilala bukod kay Lola Molly habang nandito ako sa Pinas. "Excited na rin akong makita uli ang inaanak kong iyon, Tita Molly. Natatandaan ko pa noong maliit pa ang batang iyon. Gustong-gusto niyang magpakarga sa'kin palagi kapag nagkikita kami. Pero ngayon, baka mas malaki pa sa'kin ang batang iyon." "Sinabi mo pa," bakas ang saya sa boses na sagot ni Lola. "At nakaka-proud dahil kahit mag-isa lang siya sa New York, lumaki siyang responsable at matinong bata. Alam mo ba na hindi pa iyon nagkaka-boyfriend? Ibang-iba sa mga katulad niyang kabataan na party dito, party doon. Boyfriend dito, boyfriend doon." I bit my lower lip. Hindi ko alam kung matutuwa o mahihiya sa mga sinabi ni Lola about me. Kung alam lang niya. "Teka, nasaan na nga kaya ang batang iyon? Ipinatawag ko na—" Naputol ang iba pang sasabihin ni Lola Molly dahil bigla na lang akong pumasok. Mabilis naman akong tumingin sa kausap niya dahil sa curiosity. And my lips parted. Hell, no! Muntik na akong ma-out-of-balance nang ma-confirm ko kung sino ang kausap ni Lola Molly at sinasabi niyang Ninong Emerson ko raw. At mukhang natandaan niya ako. "Siya ang inaanak ko?" tanong niya kay Lola Molly habang kunot na kunot ang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD