Carys’ S POV HINDI ko akalain na kinabukasan lang ay susugod agad dito si Emerson para magpaliwanag tungkol sa maling akala ko raw. Pero tamang-tama naman na naabutan niya si Tristan. Kitang kita ko kung paano mula sa malambot na anyo ng mukha ni Emerson ay nagbaga sa galit at matinding pagseselos ang mga mata niya. Kaya agad kong pinaalis si Tristan sa takot na baka kung ano pa ang magawa sa kaniya ng ninong ko. Pagkaalis na pagkaalis ni Tristan, hindi na ako nag-aksaya ng kahit isang segundo. Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko para sana makaiwas kay Emerson habang kausap pa niya si Lola Molly na nagtataka sa biglaang pagbabalik niya rito. Pero bago ko pa man mailapat at ma-lock ang pinto, marahas itong itinulak ni Emerson mula sa labas. Pumasok siya nang may mabibigat at marahas na

