PAGKARATING namin sa harap ng delivery room ay may lumabas daw na nurse at sinabing nag-la-labor pa rin hanggang ngayon si Ms. Akuti. Hindi raw makalabas si daddy dahil sa kanya kumukuha ng lakas si Ms. Akuti. Kaya ending maghihintay pa kami ng ilang oras dito. Binigay ko na sa kanila ang aming mga inorder, alam ko namang mga gutom na rin ang mga ito hindi lang pinapahalata dahil sa kabang nararamdaman nila kanina. “Thank you sa food, ate Alice!” Masayang sabi ni Denver sa akin at tumabi siya sa akin sa pagkakaupo. Nakita ko na lamang na tahimik na siyang kumakain. See, gutom na sila! Ayaw lang magsabi. Nagkanya-kanya na sila ng p'westo magkakapatid at ako ay kumain na rin, nasa tabi ko si Quinn, sabi ko nga sa inyo buntot ko na ang isang ito. Ayaw humiwalay. “My Alice, gusto mo it

