NAGING MABILIS ANG PANAHON. Ber Months na. Ang daming nangyari sa mga nakalipas na buwan. Ang dami naging ganap sa akin sa kabila ng pagiging mapag-isa ko ay nagawa akong magustuhan ng limang lalaki at magkakapatid pa sila. Unang linggo ng Setyembre, nandito lahat kami ngayon sa harap ng delivery room ng Carter‘s Hospital – kaibigan nila grandpa ang unang may-ari nito na naipasa na sa apo nila na nagngangalang Vicente Carne, ang successful at pinakabatang doctor sa kanilang generation. “Okay lang ba si mom?” “Paano kung mamatay ang baby sa tiyan ni mom? What do we do?” “I need to cook for mom!” “For sure, ang kapatid natin ay magiging kamukha mo. Artistahin.” “I will teach him, how to fight.” Napangiwi ako sa mga sinasabi nilang lima, akala ko nga magsasalita rin itong si Quinn h

