Tumagal kami sa restaurant na iyon na halos dalawang oras. Nag-kwentuhan lang kami ni daddy habang kumakain kami ng paborito naming spicy chami and halo-halo. “Sino boto niyo sa kanilang lima, daddy?” Nakangisi kong tanong sa kanya. Napakamot siya sa kanyang buhok. “This is a tough question, Alice.” Binigyan ko lang siya ng isang ngiti. “Kung sa qualities ako babase... Sa pagiging maturity kay Cadmus and Quinn ako. I like both of them para sa'yo and alam kong magiging swak ang ugali niyong tatlo. Pagdating sa pagiging cool and at the same time goofy, It's either sa tatlo, Bennet, Chance and Foster. Pero, alam ko ang pagitan niyo ngayon ni Foster, Alice.” Natahimik ako sa sinabi ni daddy. “Hindi ko rin magustuhan ang ginawa niya sa'yo. And, wala akong sinabi gano'n sa kanya. Anak kit

