“Anong ginagawa mo d'yan? Sinasayang mo ang bulaklak, Alice.” Malungkot na tumingin ako kay kuya Ryder. “Sino pipiliin ko?” “Nababaliw ka na nga ayon sa mga pinsan natin. Maging ang bulaklak, sinasama mo sa kabaliwan mo.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa akin. “Kuya Ryder, sino pipiliin ko? Sabi ng bulaklak siya raw, e. Waah! Pero, may masasaktan ako!” Naiiyak na sabi ko sa kanya. “Tungkol ba sa mga Hanlon niyan?” pagtatanong niya sa akin na siyang kinatango ko. “Sino ba ang sinabi ng bulaklak? Teka, nakakailang bulaklak ka na ba?” Tinignan niya ang mga nakakalat na petals sa paligid ko. Tinaas ko ang apat na daliri ko sa kanya. “Panglima na itong hawak ko.” Umiling siya sa akin. “malala ka na, Alice.” seryosong sabi niya. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya. Humara

