OMG! Tama niyong ginawa ko! Buti na lang siya ang pinili ko, si Quinn ang pinili ko. Ang dami kong nalaman at the same time nag-enjoy ako sa dalawang museum na pinuntahan namin and iyong sa Ocean Park. “Happy ka, ha?” Napahinto ako sa paglalakad papasok sa main gate ng Lazaro ng may humintong motorcycle sa tabi ko. “Kauuwi mo lang, sa'n ka galing?” Si Ryker. “Pahatid hanggang sa main house!” saad ko sa kanya at hindi pinansin ang tanong niya sa akin. Umangkas agad ako sa motor niya kahit wala pa siyang pahintulot. Nakakapagod kaya maglakad hanggang sa main house, almost two minutes din ang lalakarin mo simula rito sa main gate. “Saan ka pumunta?” tanong niya ulit sa akin. Hindi pa kami umaandar. Tinapik ko ang magkabilang balikat niya. “Saan ka rin pumunta?” balik na tanong ko

