TAHIMIK kong binabaybay ang hallway papunta sa building namin. Naka-suot ako ng hoody at nakasalamin ako sa mata para hindi ako makilala ng mga estudyante rito. Lowkey lang ako ngayon. Tnginang, Chance ‘to, bakit hindi pa malaos! Usap-usapan ako sa social media at maging dito sa University. Hindi naman nag-aaral ang isang iyon dito pero ang lakas ng impluwensya ng siraulong iyon. Kausapin ko nga si Asher mamaya at bigyan ng yellow card ang mga nakikipag-tsismis tungkol sa akin. Naghihintay nga ako kahapon sa email ng isang iyon pero hindi nagreply, alam niya sigurong hindi ko sila at siya tatantanan kapag nagreply siya sa email ko. “Alice, my friend!” Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Renma. Bakit pumasok ang isang ito ngayon? At, bakit naging kaibigan ko siya? Nakaiwa

