Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko dahil mahirap. Ako rin ay nangangamba sa paglunok ng aking laway o paglilinis ng aking lalamunan. Kanina, noong nagmakaawa siya na manatili ako, tinupad ko ang kahilingan niya. Pinagalitan ko ang sarili ko sa pagiging pushover pagdating kay Ariel Dalisay! Pagtingin ko sa kanya, parang tulog na siya. Sinubukan kong gumalaw ng konti, pero natatakot akong gisingin siya. I had to suppress my breathing since I was so conscious of his presence and convinced myself that I won't get a wink from him kung susubukan ko. Naisipan kong umuwi, ngunit parang ayaw ko naman. Naguguluhan ako. Dahil dito, pinili kong manatili, kahit na hindi kanais-nais. Anong nangyari sa akin? Natuon ang atensyon ko sa kanyang paghinga, na panay, at napaungol ako sa hirap ng paglaban