Forty-Six "C-ayde!" nagising ako na si Cayde ang hinahanap ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang panghihina. Ang natatandaan ko lang ay nawalan ako nang ulirat ilang minuto pagsakay namin ng van dahil sa sobrang sakit na pakiramdam. At ngayon nagising ako sa isang magarbong silid na halatang mamahalin ang mga gamit. May nakakabit na IV. Nang lingunin ko ang bedside table mayroong iba't ibang klase ng gamot doon. Hinaplos ko ang tyan ko. Nabuhay ang matinding takot para sa sanggol sa sinapupunan. I tried to shout pero parang walang boses na lumalabas. "C-armina!" waring na tuyo ang lalamunan ko. "Anila?" bungad ni Carmina na may dala-dalang tray."Mabuti at gising ka na!" inilapag nito iyon sa bakanteng espasyo ng kama. "Ilang araw ka ring walang malay. Pinag-alala mo ako nan

