Forty-five Para akong masisiraan ng bait habang tinatawagan ang kuya ko. Nagkalat sa kalsada ang mga katawan ng mga guards namin. Hindi ko alam kung buhay pa sila dahil pawang mga walang malay ang mga ito. "Batsy?" sagot ni Kuya Cayde na mukhang excited pa. Akala siguro nito babalitaan ko na about the baby. "Nasaan ka na? Kuya, kuya si Anila!" hindi ko na napigil ang napahagulgol nang iyak at napasalampak sa kalsada. Dumarami na ang nakikiusyoso at sa tingin ko may tumawag na rin ng pulis. "W-hat? Why? Batsy, what happened?" worried na sabi nito. "Kuya!" umatungal na ako nang iyak. Dinig na dinig ko ang pagkataranta nito. Pero hindi ko na masagot ang mga tanong nito. Tamang-tama na dumating ang pulis at nilapitan ako. Inabot ko rito ang cellphone dahil pakiramdam ko umiikot na ang pan

