Forty-nine Araw-araw akong umaasa na darating si Cayde. Iaalis n'ya kami sa islang ito. Pero lumipas ang mga buwan at taon na puno ng kabiguan at pangungulila pero hindi ito dumating. Walang Cayde na dumating at nagsasabing iuuwi na n'ya kami. Gustong-gusto ko na s'yang makasama, pero minsan napapagod din akong maghintay, lalo't palagi akong nabibigo. "Mommaaaa!" tili ni Amira na karga ng yaya nito. Malapit ng magtatlong taon ang kambal na sina Cayden at Amira. Ito na lang ang nagiging lakas ko sa lugar na ito. Wari ring sunod-sunuran ako sa ako sa aking ina upang maprotektahan ang kambal. "Amira!" kaway ko rito at sinenyasan ang yaya na palakarin na lang ang bata. Nanunulis ang nguso ni Cayden ng makitang naunang makalapit si Amira at kumandong sa lap ko. "Cayden, here!" tinapik ko a

