Fifty "Hindi ka pwedeng magtagal dito!" waring galit na sabi ni Carmina na ng makitang nakakalakad na si Quinn ay agad-agad na ipinahanda ang motor boat at hinila na ito palabas. She's rude. Kailan ba ito magbabago? Parang wala ng pag-asa. "Salamat po sa pagligtas sa akin! Aalis na ho ako!" sabi ni Quinn na ngumiti sa akin. "Ingat!" sabi ko na ikinatango nito. Nang sumakay na ito sa motorboat kasama ang dalawa sa tauhan ni Carmina nagpasya na kaming pumasok sa mansion. Sana lang ligtas na makauwi si Quinn. Nagkausap kami kagabi at nangako ito na sa pagbalik nito kasama na nito si Cayde. Kasama na n'ya ang lalaking mahal ko. ••••••••••• Katatapos ko lang makipag-usap kay Don Grego. Nakikibalita ito sa paghahanap ko kay Anila. At gaya ng dati wala pa rin akong naibigay na magandang sa

