Thirty-six Naalimpungatan ako bandang alas dose ng madaling-araw. Nang tignan ko si Cayde masarap na ang tulog nito. Tahimik na ang paligid pero may ingay akong naririnig sa labas ng silid. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Saka binuksan iyon ng marahan. Pero natigilan ako nang ma-realize na hindi sa labas nanggagaling iyon kung hindi sa silid na inuukupa ni Celine. Sino na naman kaya ang kasama nito. Masyadong eskandalosa na parang pusa na humahalinghing. Isinara ko na lang muli ang pinto at ini-lock iyon. Saka tinungo ang bedside table kung saan ko inilagay ang baon naming saging ni Cayde. Saka tahimik na kumain. Pero natigilan ako nang biglang kumilos si Cayde at umayos ng higa. Kusang napatitig ako sa lower part ng katawan nito. Habang subo ang saging 'di maiwasang mamangha dahil

