THIRTY-FIVE Pagpanhik ko sa ikalawang palapag ng villa nilampasan ko ang silid na ginagamit ni Anila. Pumasok ako sa ikalawang pinto katabi nito. Silid iyon ni Lukas. Alam kong nakasunod sila tiyak na ihahatid ni Lukas si Celine sa bakanteng silid kaya naman tama lang ang desisyon ko na 'wag pumasok sa silid ni Anila. "Kwarto ni Seniorita Anila ito!" dinig kong sabi ni Lukas ng naisara ko ang pinto."Ito ang gagamitin naming kwarto ni Sir Cayde at itong bakanteng ito, rito ka!" "Gusto mo bang maki-share ng kwarto sa akin?" maharot na tanong ni Celine. Napailing na lang ako. Tiyak na hindi tatangihan ni Lukas ang offer ng babae. Kung 'malandi' ako, it's a tie lang kaming dalawa ng kaibigan kong ito. Nagpalit lang ako ng pantulog tsaka pasimpleng lumabas ng silid at pumasok sa kwarto ni A

