“A-ANONG GINAGAWA MO RITO?!” bungad ko sa kan’ya habang naka salpok ang mag kabilang kilay ko. Mabilis kong sinalin ang titig kay Miss Anicah dito sa gilid ko na naka ngiti na pala. “Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin na nandito pala ang gurang na ‘yan, sis?” mabilis na tanong ko. “Sorry pero sinabi kasi sa ‘kin ni Mister Huston na hindi ko sasabihin sa ‘yo para surprise raw. Kaninang alas dos ng umaga pa ‘yan andito,” marahang sambit n’ya habang natatawa ng mahina kaya binalik ko ulit ang titig kay Ryker na naka sablay ang kanang binti n’ya sa kabila. Naka sandal na s’ya sa sofa habang may pina panood na kung ano sa flat screen T.V tapos humihigop pa ng tsa-a. “Alas dos pa? Kung alam ko lang na pupunta ‘yan dito, 'e 'di sana alas dose pa lang nandito na ako,” mariing bulong ko. Inunahan pa