NATAWA naman ako ng mahina hindi dahil sa sinabi n’ya, ‘yon ay naalala ko bigla si Mister Freed na unang tingin parang matapang pero sobrang rupok pala pag dating sa asawa n’yang kay Miss Cathalina. Lagi nag aaway ang dalawang 'yon eh, pero ganu'n siguro nila ineexpress ang lambingan. “Kung titimbangin, mataas ang respeto ko kay Mister Huston. Dahil wala s’yang hilig sa babae dati pa at mature mag isip kumpara kay Damion at Mister Freed.” Natawa naman ako saglit sa narinig ko. “Mature mag isip? Dati ‘yon, pero ngayon parang hindi na. Natabunan na ng pag seselos n’yang wala sa lugar,” sagot ko. Naobserbahan ko ring hindi maganda mag selos ang mga lalake kaysa sa mga babae. Talagang mag aaway kayo eh. “Normal lang ‘yan dahil nag seselos, depende kasi sa tao kung ano ang level ng selos nil