NATIGILAN ako sa mga salitang lumabas sa bibig n’ya at hindi ako nakurap dahil sa pagka bigla. “P...Po?” mahinang usal ko na’ng mas lalo n’ya akong nginisihan. Naramdaman kong nanindigan nanaman ang mga balahibo ko dahil parehong pareho sila ng ngisi ng kapatid n’ya. Pero sa kan’ya ako mas kinilabutan. Palihim akong napa lunok. “I’ll be direct to the point because I have been holding this,” malamig n’yang saad kaya mas lalo kong inalerto ang mga tainga ko. “I don’t like you for my brother,” seryosong sambit n’ya sabay taas noong kinikilatis ako. “That is the real reason why I have decided to come here.” Unti unting bumilis ang t***k ng puso ko sa mga sinasabi n’ya at unti-unti na ring nanlalamig ang mga kamay ko. Pero pasimple akong huminga ng malalim para mananatiling kalmado. “Ano po