HINDI ko inasahan na ‘yan ang susunod n’yang sasabihin. Akala ko kung ano na. Tinikom ko saglit ang bibig sabay tumango ng dalawang beses. “Sige, ayos lang naman,” marahang usal ko na parang nadagdagan ang sigla ang mukha n’ya. Mas lalong umaliwalas ‘yon sa paningin ko. Iniwas ko naman ang titig at umupo muna sa kama sa harapan n’ya banda. “Parang hindi ka naka-tikim ng ligo, pagkatapos mo kumain asikasuhin mo na ang sarili mo,” kalmadong usal ko habang naka-sentro pa rin ang kumikislap na mga mata sa ‘kin. Natawa pa s’ya ng mahina. “I take a bath every day. Do I smell that bad?” tanong n’ya sa ‘kin sabay inangat pa ang magkabilang braso at inamoy n’ya ro’n ang mabuhok n’yang kili-kili. “H-Hindi, ang ibig kong sabihin... Namumutla ka kasi at ang gulo ng buhok mo. Tapos humahaba na ang

