“How surprising... I guess you already know her, Vlad,” seryosong sambit n’ya sa mahinhing pananalita at gagalawin ko na sana uli kamay ko para ko para p’wersadong alisin ang braso n’yang naka-akbay sa ‘kin pero mabilis n’yang tinanggal ‘yon para salubungin si Miss Carolina. “Hello there, my prettiest cousin. You haven’t change huh? I thought you are in Italy!” masiglang bati n’ya sabay huminto sa harapan ni Miss Carolina. Kinapitan n'ya naman ang kaliwang kamay at napa-kunot na lang ang noo ko ng dinikit n’ya ang likod ng palad sa noo n’ya. Mabilis namang winaksi 'yon ni Miss Carolina. “You still treat me like an old lady, Vlad,” kalmadong sambit n’ya na nahahalata ko pa rin ang pagkainis sa tono ng boses. Ang sarap naman hambalusin ‘tong si Sir Vlad, ang lakas naman ng loob n’yang mag