“Bakit gan’yan ang dala mo? Bakit basag-basag na bubog?” ‘Yan ang nagtatakang bungad sa ‘kin ni Lailah na’ng nilapag ko ang kapit-kapit kong golden tray sa kitchen table habang inaayos na n’ya ang mga kubyertos sa mga naka-arrange na plato. Naka-tayo s’ya sa kaliwang gilid nitong mesa at huminto naman ako sa kabilang parte sa gitna banda. Napansin kong tinititigan n’ya ang mga pira-pirasong bubog sa tray sabay binalik sa ‘kin ng titig. “Sinabi ko na’ng dahan-dahan lang sa pag akyat, pero mag titimpla na lang ulit ako,” mahinahong saad n’ya pero dahan-dahan akong umiling. “’Wag na, Sis. Baka mabasag lang ulit at hindi n’ya nanaman tatanggapin agad,” mahinang sambit ko sabay ngumiti ng hilaw habang iniiwasan kong matitigan ko s’ya at baka mapansin na namumula ng bahagya ang mga mata ko.