DAHAN-DAHAN s’yang nilingon ni Rycee na’ng mabilis na humakbang si Lailah sa kinaroroonan ko. Tinitigan ko agad s’ya ng diretso sa mga mata sabay sinalpukan ng kilay habang papalapit at papalapit sa ‘kin. Senyales ‘yon na ‘wag na s’yang pumunta rito pero wala eh, andito na s’ya sa kaliwang gilid ko. Napansin kong napa salin sa kan’ya ang titig ni Rycee sabay ngumisi ng pagak. “And who are you to interfere our conversation?” taas kilay na tanong nito sa kan’ya sabay bumaba taas ang tingin kay Lailah. “If you were a boy, I wouldn’t get mad.” “Kung babae ka lang din, hindi ako mabibwisit eh,” mariing sabat n’ya kaya siniko ko naman s’ya. Narinig kong natawa ng mahina si Rycee sabay inayos ang tayo at kay Lailah na talaga napako ang atens’yon n’ya. “What do you think of me? Are you blind or