'Yan ang sagot n’ya sa ‘kin habang naka-ngiwi kaya tinigil ko muna ang paghihimas sa bukol n’ya at naglakad papuntang harang sabay yumuko sa ibaba. Napansin ko naman agad ang bakal na hagdanan na naka sandal sa pader kaya nabatid ko na ang ginawa n’ya. “Papatayin mo ba ang sarili mo ha? Bakit ka pa umakyat dito at baka mahulog ka—“ Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang ako niyakap sa likod at naramdaman ko kaagad ang nanlalamig n’yang katawan na dumampi sa balat ko. Napa lunok naman ako dahil do'n. “I’ve been waiting about 7 minutes, what are you doing down there?” marahan n’yang tanong sabay dinikit pa ang matigas n’yang katawan sa ‘kin. Humigpit din ang pagkakapalupot ng mauugat n’yang braso sa baywang ko. “Nag k’wentuhan lang kami ni Lailah, ‘yong kaibigan ko? Kaya na