NA’NG matapos kaming mag-agahan, bumiyahe naman kami sa hospital kagaya ng sinabi ni Mister Hugo. Doon ko nalaman na buntis talaga ako, dalawang linggo na kaya pala nararamdaman kong parang ang bilis ko mapagod at kakaiba talaga ang kondis’yon ng katawan ko kaysa dati. Pagkatapos ay pinayuhan ako ng doktor kung ano ‘yong mga bawal at hindi, tapos niresetahan din ako ng mga gamot tapos vitamins na kinakailangan ko. Binili ‘yon lahat ni Mister Hugo sa drug store at pauwi na kami ulit ngayon. “Kung may gusto kang kainin, sabihin mo agad sa ‘kin. I will buy it,” marahang saad n’ya habang kinokontrol ang manibela ng sasakyan at ako naman, naka-titig lang sa dinadaanan namin na hindi nakurap. Hindi ko naman iniisip ang mga problema, sadyang blanko lang ang utak ko habang nabiyahe. Ang tanging g