TAHIMIK akong naka-upo sa isang plastic na upuan dito sa gilid ng kabaong ng kapatid ko. Tulala kong tinititigan ang mukha n’ya habang bahagya kong hinihimas ang kristal na harang. Nag-halo sa ilong ko ang amoy ng mga puting bulaklak na pinuno ang paligid ng kan’yang himlayan na si Anghelita pa ang bumili no’n. Sinabayan pa ng matapang na amoy ng kandila na nakakasawa na’ng langhapin. Lumipas ang dalawang gabi, halos wala akong ginawa kundi samahan si Kaleb sa kan’yang pag-tulog. Dalawang gabi rin na parang tinu-tortore ang katawan pati utak ko dahil sobrang sakit na mawalan. Hindi ako naka-kain ng maayos dahil ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, parang tubig lang ang lagi kong hinihingi dahil walang oras na hindi tumutulo ang mga luha ko at palihim ko na lang na pinupunasan. Rinig na rini