LATE na nang makatulog si Saddie kaya halos magmadali siya sa pag-aasikaso sa pagpasok lalo na’t iyon din ang araw ng fashion week nila sa H&L, paglabas niya ng condo saktong kakalabas lang din ni Maven sa condo niya para pumasok. Nagkatitigan pa sila bago matauhan si Saddie nang tumunog ang pagbukas ng elevator. Naglakad siya papasok doon at balak niya sana isara na ang pinto nang humabol si Maven nang ipangharang ang kamay nito na kamuntik pang maipit. Hindi gusto ni Saddie na makasabay ang binata sa iisang elevator lalo na kung silang dalawa lang. Ngunit huli na ang lahat, walang umiimik sa kanila nang pindutin ni Maven ang ground floor button doon. Napahawak si Saddie sa braso ni Maven nang biglang huminto ang elevator at namatay ang ilaw. Nanlaki ang mga mata niya at walang kumiki

