NAGISING si Saddie na suot pa rin niya ang damit na suot niya kagabi. Masakit ang ulo niya na wala siyang masyadong pahinga dahil late na siya dinalaw ng antok dahil sa kakaisip, namumugto ang mga mata niya na nagpadagdag pa sa sakit ng ulo niya. Huminga siya ng malalim at nag-unat nang marinig niya ang katok sa pinto ng silid kung saan siya dinala ni Maven. Nang makabangon siya at puntahan para pagbuksan kung sino man ang naroon. Isang binatang na halos high school sa itsura nito ang may dala ng pagkain para sa kanya at paper bag. “Good morning po, pinapabigay po ni sir Maven para raw po sa inyo.” “Ah thank you,” kinuha niya ang pagkain at paper bag. Sinilip niya ng bahagya nang mapansin niyang may damit doon. Binalik niya ang atensyon sa binata saka ngumiti. “Na saan ba si Maven?” “U

