NAPATITIG si Saddie sa phone screen niya nang tumunog at rumehistro uli ang pangalan ni Maven. Hindi niya alam kung sasagutin ang binata sa ganitong oras at hindi rin niya maiwasang magtaka dahil local number nito ang gamit samantalang alam niyang nasa ibang bansa ito. Pipindutin na sana niya ang call nang may tumawag sa kanilang butler. “Mag-uumpisa na po at pinapatawag na po kayo roon,” wika ng binatang tagapagsilbi roon. Agad na pinatay ni Saddie ang phone niya at itinago sa loob ng bag. “Susunod kami,” ngiti niyang sagot pabalik. Nang sabay silang maglakad ni Seven sandali niya itong pinasadahan nang tingin saka binalik ang atensyon sa unahan. “Pwede bang tayo lang muna ang makaalam nito, gusto kong ma-clear ang lahat at kung totoo man ito mas gusto kong pribado lang ang buhay ko, gu

