HALOS isang buwan nang hindi nakakausap ni Jacos si Sandy simula nang huli nilang pag-uusap. Isang buwan na rin ang nakakalipas at araw-araw niya itong hinahanap. Pinagsisisihan niya ang nasabi niya sa dalaga at gusto niya itong bawiin. Ngunit hindi niya alam kung paano lalo na’t pati ang dati nitong number ay palagi na lang out of coverage. Isa lang ang paraan para malaman niya ang kalagayan ng dalaga, ang puntahan ito sa bahay. Hindi niya gustong mawala sa kanya ang dalaga dahil lang sa may pinili siya. Mas napagtanto niyang ipaglaban na lamang ito pareho, nag-aalala siya rito lalo na sa bata. Nang mahanap ang bahay na tinitirhan ni Sandy, huminto ang kotse sa isang eskinita. “Sa loob ng kalsada na yan ang bahay ng mga Villegas,” wika ng driver niya. “Yung pangalawang bahay po.” “Sig

